Mas marami ng mga magsasaka at extension intermediaries sa Ilocos Region ang natulungan ng RCEF Extension Program.

Mahigit 150K na libreng babasahin ang ipinamahagi sa mga magsasaka na nagsibilbing gabay upang tumaas ang kanilang ani at bumaba ang gastos sa pagpapalayan.

Halos 300 na agriculture extension workers, farm school trainers at magsasaka ang sinanay sa mga Training of Trainers at Short Courses. Sila ay katuwang sa pagsasanay at pagpapalaganap ng mga impormasyong pang-agrikultura sa mga magsasaka.

Abot na rin ng programa ang mga magsasaka sa malalayong lugar upang upang ipalaganap ang kaalaman at bigyang-solusyon ang problema sa peste, abono, at palayan sa mga isinagawang Knowledge Sharing and Learning activities.

Ka-Palay, nakatanggap ka na ba ng libreng babasahin o ‘di kaya naka-attend ng libreng pa-training mula sa RCEF? Ibahagi ang iyong litrato! (FB, DA-PhilRice Batac, February 29, 2024)

 


Latest Posts

  • ATI-CL Exposes LSA Cooperators to Agro-Enterprise Clustering approach

    ATI-CL Exposes LSA Cooperators to Agro-Enterprise Clustering approach

    ATI Central Luzon evaluates Bonagua Integrated Farm to be featured on Documentation of Exemplar Beneficiaries for RCEF. Earlier today, Technical Support Staff IV, Mr. John Patrick Gutierez, conducted an initial interview of Mr. Darwin Bonagua for the Documentation of Exemplar Beneficiaries for RCEF. The initial interview revolved around the operation of farm through RCEF activities…

  • Pag-asa para sa progresibong agricultura🌾

    Pag-asa para sa progresibong agricultura🌾

    Sa bawat binhing itatanim, naroon ang pag-asang mag-ani ng masagana. Ngayon, 15 na bagong bihasa sa Pest and Nutrient Management ang handang magbahagi ng kanilang natutunan upang masiguro ang mas mataas na ani at kita ng ating mga magsasaka. Kasama sa mga nagsipagtapos ng RCEF Training of Trainers ay mga extension workers at farm school…

  • WAG MAGPASCAM! 

    WAG MAGPASCAM! 

    Tingnan ang pagkakaiba ng legit at fake FB accounts na hawak ng DA-PhilRice.I-report agad ang mga mapagpanggap na FB pages ng DA-PhilRice, RCEF Seed Program, at RCEF Extension Program.