Huwag mag-alala, sagot yan ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Binhi e-Padala ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice)!
Nailunsad ang proyektong ito sa bayan ng Ibajay at Makato sa probinsiya ng Aklan.
Naging maayos at swabe ang pamimigay ng certified seeds sa 345 na mga magsasaka sa dalawang bayan. Napadali at napabilis pa ang proseso nito dahil ipapakita lamang ng mga magsasaka, na nakapagrehistro sa binhi e-padala system, ang claim code na pinadala mismo ng DA-PhilRice sa pamamagitan ng text message.
Nagpamigay rin ng mga babasahing materyal galing sa RCEF Rice Extension Service Program (RESP) gaya ng peste and sakit labanan brochure at calendaryo sa ating mga magsasaka. (DA-PhilRice Negros, FB)