Ang Botolan Muna Farmers Multi-purpose Cooperative mula sa Botolan, Zambales, ay nakilahok sa isang talakayan patungkol sa Rice Processing System o RPS na bagong programa ng PHilMech sa ilalim ng RCEF Mechanization Program.

Kasama sa talakayan ang kahulugan ng RPS, ang layunin nito, mga benipisiyaryo, mga dokumento at technical requirements sa pag-aapply. Ito ay sinundan ng isang open forum upang mabigyang linaw ang mga tanong ng mga lumahok tungkol sa RPS. Ang aktibidad ay dinaluhan ng 150 na magsasaka.

Ang talakayan ay isa sa mga knowledge sharing and learning activities ng ahensiya na naglalayong magbigay ng impormasyon at palawakin ang kaalaman ng mga magsasaka patungkol sa agricultural mechanization na kung saan maari nilang ibahagi ang natutunan sa iba pa nilang kasamahan. (FB, RCEF Extension Program, Nov. 27, 2023)