Ayon kay ka-Palay Ruby Briones, isang farmer partner ng PalaySikatan sa Mobo, Masbate, napagaan ang kanilang pagsasaka dahil sa makinaryang kanilang nasubukan sa PalaySikatan ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).
“Dahil sa mechanical transplanter naging madali ang aming pagtatanim, at napakasayang makita ang resulta. Maayos ang pagkakalinya at maganda ang naging paglago ng palay,” anya.
“Masaya kaming posible pala ang 75 kaban na may 55 kilo kada sako na ani sa kalahating ektarya na aking tinamnan ng NSIC Rc 506. Umaabot lamang ng 40 kaban ang dati kong ani. Malaking tulong din ang pagsunod ko sa MOET recommendation at PalayCheck system,” dagdag pa nya.
Katuwang ng RCEF ang provincial government ng Masbate at LGU Mobo sa pangunguna ni Hon. Reymundo Osmundo R. Salvacion sa pagpapatupad ng programa. (FB, DA-PhilRice Bicol)