Mula farmer field school trainee, isa nang facilitator si Anabella Villabeto, 35 taong gulang, sa Labonite Farm School sa Pilar, Bohol. Bata pa lamang ay katulong na siya ng kaniyang magulang sa kanilang sakahan. Ngayon, isang dekada na niyang sinasaka ang sarili niyang palayan na ipinamana ng kaniyang magulang.

Ayon kay Anabella o mas kilalang An-an sa kanilang lugar, malaki ang kaibahan ng pagsali niya sa mga pagsasanay. Kung dati ay basta na lamang silang naglilipat-tanim, ngayon ay alam na niya kung ano ang katangian ng malusog na punla. Kaya maiiwasan nila agad ang makakabawas ng kanilang tanim. Sa paglagay ng abono, sumusunod lang din sila sa kung ano ang nilalagay ng kanilang katabing sakahan.

Sa ngayon, natuto na siyang gumamit ng LCC or leaf color chart para matukoy ang taglay na nitroheno ng kaniyang tanim. At dahil na din sa binigay ng RCEF Training na MOET kit, masusubukan niyang malaman kung ano talaga ang kulang o sapat na’ng sustansiya sa kaniyang palayan.

Nakakuha ng Active Participation award si An-an sa natapos nilang isang linggong pagsasanay. Ika niya, nais niyang matuto hangga’t kaya niya upang mabahagian niya din ng husto ang kapwa magsasaka sa kanilang lugar.

Kasama ni Anabella ang 34 pang nagtapos sa pagsasanay na ginanap sa Tagbilaran, Bohol.

Ang RCEF-Extension Program ay bahagi ng Republic Act 11203 o Rice Tariffication Law, na naglalaan ng P10 bilyong pondo bawat taon para sa mga magsasaka ng palay. Ang programa ay ipinapatupad ng DA-PhilRice, DA-PHilMech, DA-ATI, at TESDA sa pakikipagtulungan sa local government units at iba pang intermediaries. (FB, DA-PhilRice Negros, August 31, 2023)


Latest Post

  • ATI-CL Exposes LSA Cooperators to Agro-Enterprise Clustering approach

    ATI-CL Exposes LSA Cooperators to Agro-Enterprise Clustering approach

    ATI Central Luzon evaluates Bonagua Integrated Farm to be featured on Documentation of Exemplar Beneficiaries for RCEF. Earlier today, Technical Support Staff IV, Mr. John Patrick Gutierez, conducted an initial interview of Mr. Darwin Bonagua for the Documentation of Exemplar Beneficiaries for RCEF. The initial interview revolved around the operation of farm through RCEF activities…

  • Pag-asa para sa progresibong agricultura🌾

    Pag-asa para sa progresibong agricultura🌾

    Sa bawat binhing itatanim, naroon ang pag-asang mag-ani ng masagana. Ngayon, 15 na bagong bihasa sa Pest and Nutrient Management ang handang magbahagi ng kanilang natutunan upang masiguro ang mas mataas na ani at kita ng ating mga magsasaka. Kasama sa mga nagsipagtapos ng RCEF Training of Trainers ay mga extension workers at farm school…

  • WAG MAGPASCAM! 

    WAG MAGPASCAM! 

    Tingnan ang pagkakaiba ng legit at fake FB accounts na hawak ng DA-PhilRice.I-report agad ang mga mapagpanggap na FB pages ng DA-PhilRice, RCEF Seed Program, at RCEF Extension Program.