Sa tulong ng local agriculture office at survey sa mga piling magsasaka, lumabas na daga at tungro ang nakitang problema ng mga magsasaka sa bayan ng Tayasan.

Kaya naman nagdala ang PhilRice ng expert para mabigyan sila ng impormasyon tungkol dito at kung paano ang mga ito mapuksa o maiwasan ang dulot na pinsala nito sa palayan.

Masaya ang mga magsasaka sa bago nilang kaalamang nakuha kaya hiling nila na sana magkaroon na ng farmer field school para kanilang lugar.

Ang knowledge sharing learning (KSL) na proyekto ay ginaganap sa mga piling bayan na may mababang ani, malaki ang rice area, at konting magsasaka pa lamang ang nakapagsanay.

Para sa katanungan tungkol pagpapalay magtext o tumawag sa PhilRice Text Center 0917-111-7423. (FB, DA-PhilRice Negros, March 14, 2024)