Makapagturo sa mga kapwa magsasaka, motibasyon ng isang trainer sa Negros Occidental
Naging motibasyon ni Rose Quiatchon Gabat, 52, ng Valladolid, Negros Occidental ang kagustuhan niyang makapagbahagi ng wastong kasanayan sa pagsasaka para sa mga kapwa magsasaka sa kaniyang paglahok sa katatapos na RCEF Training of Trainers on the Production of High-Quality Inbred Rice and Seeds, and Farm Mechanization
Dagdag ni Gabat, hangad niyang maging isang seed grower sa lugar nila kaya inaaral niya ang PalayCheck System.
Samantala, 33 trainers mula sa mga munisipalidad ng Negros Occidental at Iloilo ang nagsipagtapos sa dalawang linggong pagsasanay na ginanap sa DA-PhilRice Negros. (FB, RCEF Extension Program)