Kabilang sa ipinakilala at sinubukan ng mga kalahok ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Training of Trainers ang mga makabagong makina at teknolohiya na kayang mapababa ang gastos sa bukid tulad ng seed sowing machine, plastic drumseeder, riding type translanter, multi purpose seeder, 4-wheel tractor at dapog technique.
Ito ay parte ng kanilang pagsasanay ukol sa produksyon ng dekalidad na inbred na binhi at makinaryang pangsaka.
Ang RCEF TOT ay programa sa ilalim ng RCEF-Rice Extension Services Program na bahagi ng Republic Act 11203 o Rice Tariffication Law (RTL) na naglalayong mapalakas ang mga Pilipinong magsasaka.
Ang RTL ay naglalaan ng P10 bilyong pondo bawat taon para sa mga pinapamahaging libreng dekalidad na inbred seeds, makinaryang pambukid, at pagsasanay sa pagpapalayan. Pinopondahan din nito ang mga pautang na pangsakahan.
(DA-PhilRice Batac. FB)