Salamat sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) sa pamamagitan DA-Philippine Rice Research Institute (PhilRice) Binhi e-Padala, hassle-free na ang libreng pamamahagi ng 900 sako ng certified inbred rice seeds sa 300 magsasaka sa ilalim ng RCEF Seed Program sa lungsod ng Compostela, Davao de Oro.
 
Ang RCEF Binhi e-Padala ay isang digitized platform na inilunsad ng RCEF Seed Program upang mapabilis at mapadali ang proseso ng pamamahagi ng libreng dekalidad na binhi.
 
Ang 300 na magsasakang benepisyaryo na nakasubok ng gumamit ng nasabing bagong digitized platform ay mga miyembro ng San Jose-Lagab-Aurora Lateral “A” Farmer Irrigator’s Association o SJLALAFIA.
 
Ayon pa kay Abelardo L. Hebra, SJLALAFIA Chairman, “Nagpapasalamat ako dahil mabibigyan na ng easy access ang mga magsasaka sa pagki-claim ng kanilang mga libreng binhi mula sa RCEF Seed Program”.