Higit isang libong sako na tig 20kg, naipamahagi sa unang mass delivery at distribution sa Midsayap
Tinatayang nasa humigit kumulang 260 na early planters ang nabahagian ng certified inbred seeds mula sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Seed Program na pinapatupad ng Department of Agriculture-Philippine Rice Research Institute (DA-PhilRice) Midsayap.
Naipamahagi ang NSIC Rc 506, Rc 222, Rc 438, at Rc 216 na na-produce ng Cotabato Agricultural Allied Services Cooperative (CAASCO) at United Seed Producers Marketing Cooperative (USPMC).
Kasama ang agriculture office, masusing sinuri ang binhi at binusisi ang listahan ng Farmers’ and Fisherfolk’s Registry System (FFRS) upang masigurong dekalidad ang mga binhi at maibigay ang mga ito sa mga rehistradong ka-Palay.
(PhilRice Midsayap, FB)