Patuloy din ang pamimigay ng dekalidad na binhi mula sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Seed Component sa pamamagitan ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice) sa lalawigan ng Zamboanga Sibugay. Ang mga larawan ay kuha sa bayan ng Diplahan kung saan abot na sa humigit kumulang 50% ng mga binhi ang naipamigay na. Kabilang sa mga variety na pinamimigay sa mga magsasaka ay NSIC Rc 222, Rc 442, Rc 402, at Rc 160. Maliban sa binhi ay nakakatanggap din ng mga babasahin mula sa RCEF ang mga magsasaka na nagsisilbing gabay nila sa pagpapalayan.(DA-PhilRice Midsayap, FB) (Mga larawan mula kay Martin P. Jawom)