Muling namahagi ng Certified Palay Seeds mula sa Programa ng PhilRice na Rice Competitiveness Enhancement Fund o RCEF Seed Program sa ating mga rehistrado at lehitimong magsasaka ng Brgy. Lalawigan, San Juan, Ibaba, Sta Lucia, Sapa at Calaguiman o mga Lowland Rice Farmers ng Samal.
Pinamahagi ang iba’t ibang klase ng variety ng certified palay seeds gaya ng NSIC RC480, NSIC RC160 at NSIC RC218 na may timbang na 20kg per sako. Ang kabuuang naipamahagi ay SANGLIBONG (1,000) SAKO ng Certified Palay Seeds from Upland to Lowland Rice Farmers ng Bayang ng Samal, May 9-12, 2023.
Sa kabutihan at pangunguna ng ating Mayor Alexander C. Acuzar muli ang pasasalamat ng aming tanggapan sa pamumuno ni Ms. Nora A. Medina, maayos naipamahagi ang unang biyaya para sa mga magsasaka para sa nalalapit na Cropping Season para sa Panag Ulan.
Para po sa mga di pa nabahagian o nakapag claim ng binhi maari lamang maghintay ng anunsyo mula sa inyong mga Rice Field Technician ng bawat Barangay. May mga susunod pa po tayong deliver 🚛🌾🌾(FB, Municipal Agriculture Samal Bataan)