Sa pamamagitan ng PalaySikatan technology demonstration sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund(RCEF)-Seed Program ay napatunayan ng mga magsasaka sa Brgy. Kilay, Shariff Saydona sa probinsya ng Maguindanao na ang 40 kg na binhi sa isang ektarya ay sapat na.
Nakita ng mga magsasaka sa bayan sa ginanap na Farm Walk noong September 15, 2022 ang maganda at mabulas na tubo ng itinanim na palay ni Ginoong Abdulbayan R. Benito. Ayon kay Ginoong Abdulbayan, hindi nila sukat akalain na kasya na ang 40 kilos na binhi sa isang ektarya.
Dagdag pa niya nakatulong sa kanya ang pag-gamit ng drum seeder upang makatipid sa binhi at ang ng Minus One Element Technique Kit upang malaman ang tamang dami ng gagamiting abono.
Nagpapasalamat ang mga magsasaka sa pagkakaroon ng PalaySikatan nakanilang aktwal na natutunan ang kahalagahan ng pag-gamit ng akmang teknolohiya sa pagsasaka. (DA-PhilRice Midsayap, FB)