I-check na ‘yan! 🌾✅
 
 Napabuti na, nadagdagan pa ng kaalaman para sa grupo ng mga kababaihang magsasaka na ito matapos makasama sa talakayan ng Key Check 3 at 4 📖 ng Sistemang PalayCheck sa Brgy. Rizal, Sagay City, Negros Occidental.
 
Isa sa mga tumatak sa kanilang isipan ay ang huwag alugin ang palay bago i-transplant dahil nakakapagdudulot ito ng stress sa palay. Ilan din daw sa kanilang rice-farming practices ay magkasalungat sa tinuturo ng key checks. “Mabuti talaga na may alam,” sabi nila. Pangako nila sa susunod na taniman, susundin nila ang key check 3 at 4 at matutunan pa ang ibang key checks.
Bago ang talakayan, nagkaroon ng RCEF PalaySikatan ceremonial crop establishment sa kanilang lugar gamit ang walk-behind transplanter, isang makinarya na idinisenyo para sa paglipat ng mga punla ng palay sa patag na bukid.
 
Ito ay makatutulong sa pagpababa ng labor cost , mapadali at mapabilis ang pagtatanim. 🌾🤗☀️ (FB, PhilRice Negros)