“Narigat agubra nu bassit ti ammom iti talon, ken narigrigat ti agisuro nu kurang ti ammon maipapan iti pinagtalon.”
Ito ang wika ni Murphy P. Maingag, facilitator ng Fatima Farming School, na motibasyon nya sa paglahok sa 2nd batch ng Rice Competitiveness Enhancement Fund Rice Extension Service Program (RCEF-RESP) Training of Trainers on Pest and Nutrient Management. kasalukuyang itong ginaganap sa Provincial Farm School and Agri-Tourism Center sa Amulung, Cagayan.
Dagdag pa niya, “ang pagsasanay na ito ay makakatulong upang mas madagdagan pa ang kaalaman at makakuha ng mga bagong ideya patungkol sa agricultural practices and technologies na maibabahagi sa mga magsasaka.”
Binubuo ng 26 trainees, ang batch ay kinabibilangan ng mga farm school owners/trainers, instructors/facilitators ng State Universities and Colleges, at mga kawani ng Technical Education and Skills Development Authority at Fertilizer and Pesticide Authority mula sa probinsya ng Cagayan at Kalinga. (FB, DA-PhilRice Isabela)