Sa ikalawang pagkakataon, bumalik ang sigla ni ka-Palay Ernesto Niadas, 56, farmer-cooperator ng Brgy. Maytubig, Isabela, Negros Occidental dahil sa ganda ng tindig ng kanyang mga pananim ngayong 2023 dry season sa PalaySikatan technology demonstration ng Rice Competitiveness Enhancemenr Fund (RCEF) Seed Program.
Kwento niya, malaking kawalan ang 2022 wet season ng PalaySikatan dahil sa bagyong Karding.
Naghahanda pa sana ako para sa field day sa mga susunod na araw upang maipakita sa mga kapwa kong magsasaka. Sa kasamaang palad, dumating ang bagyo kaya’t umani lang ako ng 40 kaban ng NSIC Rc 400,” ani Ernesto.
Hiling niya sa susunod na PalaySikatan, wala ng bagyo ang manalasa.
Sa kabilang banda, nagustuhan ng mga ka-Palay ang barayting NSIC Rc 512 na nakatanim sa sakahan ni ka-Palay Ernesto dahil malalaki at mahahaba ang mga butil nito.
Sa kasalukuyan, hinihintay na lang ni ka-Palay Ernesto ang araw ng pag-aani at malakas ang kanyang paniniwala na tataas ang kanyang ani.
(DA-PhilRice Negros, FB)