Nanguna sa mga magsasaka ng naturang lugar ang NSIC Rc 506 sa ginawang Lakbay Palay sa PalaySikatan demo farm ng Rice Competitive Enhancement Fund – Rice Extension Services Program(RCEF-RESP).
Ang NSIC Rc 506 o Tubigan 41 ay may paggulang na 111 araw sa lipat tanim at 104 na paggulang naman sa sabog tanim. Ito ay medyo matibay sa stem borer, may mahaba na butil, at katamtaman ang lambot kapag naluto.
Maganda at mayabong din na tubo na siyang nagustuhan ng ating mga ka-Palay.
Lubos din silang naniwalang sapat na ang 40 kilo ng binhi para sa isang ektarya.
“Dati nagrereserba pa kami ng kaunting binhi dahil may agam-agam kami na hindi magkakasya ang 40 kilos na binhi sa isang ektarya. Pero ngayon, kampante na ako na sakto lang ito para sa lupang aking sinasaka,” wika ni farmer-cooperator Diosdado Role.
Kasama din sa techno demo ang NSIC Rc 222, NSIC Rc 216, NSIC Rc 402, NSIC Rc 358, at NSIC Rc 442.
(DA-PhilRice Bicol, FB)