Nagsipagtapos ngayong araw ang 37 na magsasaka ng Nueva Era Ilocos Norte sa naganap na RCEF-Short Course on Pest and Nutrient Management in Rice.

Sa kanilang pag-uwi, dala-dala ng mga magsasaka ang kaalamang kontra peste at tamang pag-aabono sa palayan matapos ang isang linggong pagsasanay.

Ang pagsasanay ay programa sa ilalim ng RCEF- Rice Extension Services Program na bahagi ng Republic Act 11203 o Rice Tariffication Law (RTL) na naglalayong mapalakas ang mga Pilipinong magsasaka.

Ang RTL ay naglalaan ng P10 bilyong pondo bawat taon para sa mga pinapamahaging libreng dekalidad na inbred seeds, makinaryang pambukid, at pagsasanay sa pagpapalayan. Pinopondahan din nito ang mga pautang na pangsakahan. (FB, DA-PhilRice Batac, November 10, 2023)


Pagsasanay Para sa mga Tagapagsanay!

Ngayong araw ay ang pagtatapos ng huling batch ng Training of Trainers on Pest and Nutrient Management para sa taong 2023.

Handa nang iuwi ng 23 trainers ang kanilang mga natutunan sa pamamahala ng peste at nutriheno at ipamahagi sa mga magsasaka sa kanilang lugar.

Ayon kay William Vincent S. Pasig, Valedictorian ng grupo, masarap matututo upang madagdagan ang kaalaman, ngunit walang itong kwenta kung hindi ibabahagi sa mga nangangailangan.
Ang pagsasanay ay programa sa ilalim ng RCEF- Rice Extension Services Program na bahagi ng Republic Act 11203 o Rice Tariffication Law (RTL) na naglalayong mapalakas ang mga Pilipinong magsasaka.

Ang RTL ay naglalaan ng P10 bilyong pondo bawat taon para sa mga pinapamahaging libreng dekalidad na inbred seeds, makinaryang pambukid, at pagsasanay sa pagpapalayan. Pinopondahan din nito ang mga pautang na pangsakahan. (FB, DA-PhilRice Batac, November 24, 2023)


Latest Posts

  • ATI-CL Exposes LSA Cooperators to Agro-Enterprise Clustering approach

    ATI-CL Exposes LSA Cooperators to Agro-Enterprise Clustering approach

    ATI Central Luzon evaluates Bonagua Integrated Farm to be featured on Documentation of Exemplar Beneficiaries for RCEF. Earlier today, Technical Support Staff IV, Mr. John Patrick Gutierez, conducted an initial interview of Mr. Darwin Bonagua for the Documentation of Exemplar Beneficiaries for RCEF. The initial interview revolved around the operation of farm through RCEF activities…

  • Pag-asa para sa progresibong agricultura🌾

    Pag-asa para sa progresibong agricultura🌾

    Sa bawat binhing itatanim, naroon ang pag-asang mag-ani ng masagana. Ngayon, 15 na bagong bihasa sa Pest and Nutrient Management ang handang magbahagi ng kanilang natutunan upang masiguro ang mas mataas na ani at kita ng ating mga magsasaka. Kasama sa mga nagsipagtapos ng RCEF Training of Trainers ay mga extension workers at farm school…

  • WAG MAGPASCAM! 

    WAG MAGPASCAM! 

    Tingnan ang pagkakaiba ng legit at fake FB accounts na hawak ng DA-PhilRice.I-report agad ang mga mapagpanggap na FB pages ng DA-PhilRice, RCEF Seed Program, at RCEF Extension Program.