Sinimulan ngayong araw ang pamamahagi ng Binhi ng Palay para sa mga lehitimo at rehistradong magsasaka ng Brgy. Imelda at Gugo. Ang Binhi ng Palay na ito ay mula sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) na mula sa implementasyon ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice).
 
Ang aming tanggapan ay lubos na nagpasasalamat sa pangunguna ng Ama ng Bayan ng Samal Hon. Alexander C. Acuzar para sa kanyang magandang adhikain para sa mga magsasaka. Ito ay matagumpay na naisakatuparan mula sa patnubay ni Ms. Nora A. Medina, Municipal Agriculturist at kasama ng kanyang mga Agricultural Technician.
 
Gayun din ang pasasalamat sa pamunuan ng Brgy. Imelda sa pamumuno ni Kap. Reynaldo O. Matawaran at Pangulo ng Imelda Irrigator Service Association G. Marcos C. Vizon sa pagpapatuloy sa aming tanggapan.
 
Abangan na lamang po ang susunod na schedule na ibibigay ng Rice Technician ng bawat barangay. (FB, Municipal Agriculture Samal Bataan)