Noong Hunyo 9-10, 2022, ipinagpatuloy ang pamamahagi ng libreng binhing palay mula sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Seed Program sa pamamagitan ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice) para sa taniman ngayong Wet Season 2022. May kabuuang 1,041 sako ng binhing palay ang naipamahagi sa 261 na rehistradong magpapalay mula sa Barangay Sta. Catalina Sur, Pahinga Sur, Buenavista West, Buenavista East, at San Isidro.
Nakatanggap din ang mga magsasaka ng mga Information, Education and Communication (IEC) materials mula sa Rice Extension Service Program (RCEF-RESP) patungkol sa wastong pamamahala sa palayan.
Inaasahan ang pagdating ng karagdagang binhi mula sa RCEF Seed Program upang maipamahagi sa lahat ng benepisyaryo ng programa. (FITS Center Candelaria, Quezon, FB)