
Patuloy ang pamamahagi ng mga benepisyong pang-magsasaka ng Pamahalaang Bayan ng Alcala, sa pangunguna ni Mayor JOJO B. CALLEJO at mga ibang opisyales ng bayan, kagaya ng inilunsad at pamamahagi sa mga magsasaka ng Inbred/Hybrid na Binhing Palay ngayong araw. Ang programa ay nagmula sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Rice Seed Program at National Rice program ng Deaprtment of Agriculture, kaakibat ang LGU-Alcala.
Ang pamamahagi ng binhi ay isinasagawa sa Mult-Grain Dryer sa Brgy. Bersamin mula May 11 – 12, 2023.
