Sa unang pagkakataon ay nasubukan ng mga farmer-cooperators mula sa Los Banos, Laguna ang modified
“Umasa po kayo na ang aming tanggapan ay patuloy na magtutulung-tulong upang maging katuwang ninyo sa RCEF Program upang matulungan ang ating mga magsasaka!” – ito ang pangako ni Famy Municipal Agriculturist Benjamin Castro sa ginanap na 2022 Wet Season Seed Partners Recognition and Awarding Ceremony ngayong Agosto 25. Ito ay matapos itanghal ang Famy bilang Best LGU para sa small-scale category.
Pormal ding tinanggap ng probinsya ng Laguna at 19 na municipal/city local government units mula sa Laguna at Cavite ang mga parangal na iginawad sa kanila noong PhilRice Seed and Extension Programs Midyear Review para sa kanilang kahanga-hanga at mahusay na serbisyo sa mga magsasaka.
Hinikayat ni Dr. Karen Barroga, PhilRice deputy executive director for development, ang lahat ng partner LGUs na ipagpatuloy pa ang magandang serbisyo sa mga magsasaka. “If you have the spirit to make things happen, it will happen,” mensahe niya sa lahat.
Lubos rin na nagpapasalamat si Gov. Ramil L. Hernandez para sa serbisyo ng mga LGUs. Aniya, “Sa bawat programa ng pamahalaang panglalawigan, layunin ang sustainability and efficiency sa larangan ng agrikultura, food sufficiency para sa mga mamamayan, at profitability naman para sa mga magsasaka…Ipinakita ng mga lokal na pamahalaan ang kontribusyon sa mga ito sa pamamagitan ng serbisyo ng mga municipal/city agricultural extension workers upang maihatid sa ating mga magsasaka ang kinakailangang interventions katulad ng certified seeds sa tulong ng PhilRice Los Baños.”
Ang programa ay dinaluhan nina Regional Seed Coordinator for CALABARZON Annie Bucu, Laguna Provincial Agriculturist Marlon Tobias, Los Baños Mayor Anthony Genuino, Pakil Mayor Vincent Soriano, UPLB Chancellor Jose Camacho, Jr., at UPLB Vice Chancellor Nathaniel Bantayan.
dapog technique kung saan gumamit sila ng putik sa proseso. Maganda, madaling gawin, at hindi masyadong alagain – ganito inilarawan ni Merla Diamante, 65, ang bagong pamamaraan.
Ayon kay Nanay Merla, noon pa man ay nagdadapog na sila. Ang bago lang ngayon ay ang paggamit ng putik. “Mas madali ngayonkasi kailangan lang namin makita kung malapit nang matuyo ang putik kumpara noon na maya’t maya kaming nagdidilig kapag di pa suminasibol ang binhi,” kuwento niya.
Ang modified dapog technique ay isa lamang sa marami pang bagong kaalaman na inaasahang matutunan ni Nanay Merla sa pagsali niya sa PalaySikatan ngayong 2022 wet season.
(DA-PhilRice Los Baños, FB)