Pormal na nai- turn over namin ni Pangulong Bongbong Marcos sa Piddig Basi Multipurpose Cooperative ang isang state-of-the art multi-stage Rice Processing facility dito sa Paddig, Ilocos Norte.

Ang kooperatiba ay may 1,100 miembro ng magsasaka at may sinasaka na 1,400 ektaryang sakahan. Ayon kay Philmech Dir. Boyet Alvindia 3 MT ng palay kada oras ang kayang gilingin at makakapagproduce ng 300 na may 50 kilo ng bigas sa loob ng walong oras.

Bukod sa RPS ay namahagi din kami dito ng iba’t ibang farm machinery at mga binhi. Ang pondong ginamit sa mga proyektong ito ay mula sa Rice Competitive Enhancement Fund o RCEF.

FB, Francisco "Kiko" Tiu Laurel Jr., July 19, 2024


Latest Posts