Masayang ibinahagi ni Julie R. Diwa ang kanyang mga natutunan sa ginanap na RCEF Tekno Gabay ngayong araw sa Floridablanca, Pampanga.

Bago raw sa kanyang pandinig ang “right EAT” na pamamahala ng sustansiya ngunit excited na siyang gamitin ito sa kanyang palayan.

Dagdag pa ni Julie, tamang tama rin ang timing ng kaniyang mga natutunan sa tamang paghahanda ng lupa. Nalaman niyang dapat palang ipahinga ang lupa upang makalikom ito ng organikong materyales na magsisilbing natural na pataba.

Mahigit 100 ka-Palay sa Floridablanca, Pampanga ang dumalo at nakipagtalakayan sa paghahanda ng lupa, pagtatanim, pamamahala ng sustansiya at peste sa ginanap na aktibidad.

Hiling ni ka-Palay Julie na sana ay magpatuloy ang ganitong programa upang mas marami pang mga ka-Palay ang makatipid sa gastusing pambukid habang tumataas ang ani at kita. (FB, RCEF Extension Program)