Naging positibo ang kabuuang karanasan ng mga magsasaka ng Bulan, Sorsogon sa pagkuha ng dekalidad na binhi mula sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF)-Seed Program nang Philippine Rice Research Institute (PhilRice) sa pamamagitan ng Binhi e-Padala.
Ayon kay Marlon Hugo, 63 taong gulang ng Barangay Benigno S. Aquino, malaking tuwa niya sa bagong sistema ng pagpapamahagi ng binhi dahil bukod sa mabilis at walang pila agad niya ding nalaman ang iskedyul ng seed distribution, dahil maaga niyang natanggap ang text message.
Ang Binhi e-Padala ay isang digital voucher system kung saan makatatanggap ang mga qualified na magsasaka ng voucher codes sa kanilang registered cellphone number. Sa bagong sistema, inaasahan na mas mapabibilis at mapapadali ang pamamahagi ng binhi.
Bukod sa libreng binhi, nagsagawa rin ng Technical Briefing at pagpapamahagi ng babasahing “Pesteng Insekto at Sakit Labanan” sa pamamaginan ang RCEF-Rice Extension Service Program (RESP) na naglalaman ng mga impormasyon kung paano labanan at puksain ang mga peste sa palayan. (DA-PhilRice Bicol, FB)