Mabilis na nakuha ni ka-Palay Rexierex M. Manandig, 47, ng Ramon, Isabela ang 22 bag na binhing NSIC Rc512 sa pamamagitan ng Binhi e-Padala ng RCEF Seed Program. Sapat na ito para sa kanyang 10.60 ektaryang lupang sinasaka.

Susubukan naman niya ngayong taniman ang NSIC Rc512. Kwento niya, NSIC Rc222 ang kanyang tinanim nitong nakalipas na taniman. Umani raw siya ng 110 na bag kada ektarya na may timbang na 58 kilo kada sako. Nabenta niya raw ito ng sariwa sa presyong PhP23 kada kilo.

Samantala, NSIC Rc222 naman ang napili ng iba pang mga ka-Palay sa Gappal, Cauayan, Isabela, sa Binhi e-Padala. “Nakita ko na ang kalidad ng binhing ito na binibigay sa amin ng RCEF,” wika ni Jose A. Bramaje, 63, residente sa nasabing lugar.

Ang Binhi e-Padala ay isang electronikong systema upang mapadali at mapabilis ang distribusyon ng mga binhi. Kahit ilang ektaryang sinasaka, pwede sa Binhi e-Padala. (FB, PhilRice Isabela, May 9, 2024)