Sa ginanap na Rice Competitiveness Enhancement Fund – Rice Extension Service Program (RCEF-RESP) Knowledge Sharing and Learning sa nakaraang Hunyo 8, 2022, masayang itinaas ng mga magsasaka ang nakangiting “emoji” ng tanungin kung sang-ayon sila sa makinarya bilang ka-partner sa pagsasaka. Pinatukoy din sa kanila ang bentaha at desbentaha ng makinarya.
Naging interaktibo ang talakayan dahil masigasig ang mga magsasaka na ikwento ang karanasan nila sa paggamit ng makinarya. Ayon sa kanila, naging madali sa ang pag-access sa mga makinarya sa paghahanda ng lupa dahil ang Tanjay ay mayroong lokal na taggagawa.
Benepisyaryo din ang Buyao Tugas Farmers Association ng mga makinarya galing sa Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PHilMech). Sapat na pagsasanay sa paggamit ang kanilang hiling na dagdag na maipagkaloob sa kanila.
Ang RCEF-Extension Program ay bahagi ng Republic Act 11203 o Rice Tariffication Law, na naglalaan ng P10 bilyong pondo bawat taon para sa mga magsasaka ng palay. Ang programa ay ipinapatupad ng Department of Agriculture-Philippine Rice Research Institute (DA-PhilRice), DA-PHilMech, Department of Agriculture-Agricultural Training Institute (DA-ATI), at Technical Education And Skills Development Authority (TESDA) sa pakikipagtulungan sa local government units at iba pang intermediaries. (DA-PhilRice Negros, FB)