RCEF Seed Program, muling AARANGKADA sa Probinsya ng Leyte!
Kasama ang DA-RFO 8, PhilMech, ATI, TESDA, DBP, BPI-NSQCS 8, Villar Sipag, at Provincial Government of Leyte ay pormal nang binuksan sa bayan ng Abuyog, Leyte ang Dry Season 2024 hudyat ng panibago nanamang season ng pamamahagi ng libreng binhi mula sa RCEF.
Aabot sa halos 40,000 certified inbred rice seeds ang ipapamagi ng RCEF Seed Program at DA-NRP sa mahigit 16,000 na magsasaka sa nasabing probinsya. Ito ay pangungunahan ng PhilRice at Municipal/City Agriculture Offices.
Maliban sa libreng dekalidad na binhi ay makakatanggap rin ng mga libreng babasahin ang ating mga ka-Palay mula naman sa RCEF Extension Program upang tulungan na maibaba ang kanilang gastos sa pagpapalay at maitaas ang ani! (FB, DA-PhilRice Bicol, October 27, 2023)