Ang pang-apat na batch ng trainees ng Training of Trainers on Pest and Nutrient Management ay sumabak sa laban kontra peste at malnutrition sa palay nitong Lunes sa Cagayan Valley Research Center, City of Ilagan, Isabela.
 
Kinabibilangan ng mga local farmer technicians, farm school and state universities and colleges facilitators, at agriculture extension workers mula sa Isabela, Cagayan, Kalinga at Quirino, bubunuin nila ang 5 araw na pagsasanay para mas mapalawig ang tamang pamamahala ng peste at sustansiya sa palayan.
 
Ayon kay Remy Balliyao, facilitator ng Shavcers Farm School, “hindi lamang Right E-A-T o ang right element, amount, and timing of fertilizer application ang maituturo namin pagkatapos ng pagsasanay na ito, kundi makakapagbahagi pa kami ng mga makabagong istratehiya sa pagpapalay.”
 
Mula simula ng taon nakapagsanay na ng 77 trainees ang RCEF Extension Program ng DA-PhilRice Isabela at madadagdagan muli nitong Biernes ng 29 pang alagad sa pagsugpo ng peste at malnutrition sa palayan. (FB, DA-PhilRice Isabela)