Mas mabilis na pagkuha ng binhi? Subukan sa Binhi e-Padala!

Para sa 2024 dry season, nakatanggap ng mahigit 446 sako ng RCEF seeds ang ilang magsasaka mula sa Candelaria, Quezon sa pamamagitan ng Binhi e-Padala system ng RCEF Seed Program.
Sa sistemang ito, mas pinadali at mas pinabilis na ang pagkuha ng binhi sa tulong ng digital technology. Dahil ang mga magsasaka ay naka-pre-register na, hindi na nila kailangan pang pumila nang matagal.

Pagbabahagi ni Priscila Vergara, ikatlong beses na niya sa Binhi e-Padala, kung dati ay medyo nahihirapan siya dahil siksikan sa pagkuha ng binhi, ngayon ay mas mabilis na ang proseso, ilang minuto lamang ay natatanggap na niya ang mga ito.

(FB, DA-PhilRice Los Baños, December 14, 2023)