Maligayang pagtatanim po sa ating ka-Palay mula sa Aborlan, Palawan

(FB, DA-PhilRice Los Banos, Siose Myrna, November 25, 2023)


Tuloy-tuloy lang ang pamamahagi ng dekalidad na binhi 😉

Para sa 2024 dry season, patuloy ang schedule ng seed delivery at distribution ng certified inbred seeds mula #RCEFSeedProgram sa iba’t-ibang lugar sa bansa.

Ito ay nagsimula noong September 2023 at inaasahang maipamamahagi ang mga binhi sa kwalipikadong magsasaka hanggang March 2024.

Sa mga ka-Palay nating nakatanggap na ng binhi i-share niyo naman ang mga selfie kasama ang binhi!

Samantala, sa mga hindi pa nakatatanggap, ‘wag mag-alala! Basta fully registered ka, hintayin lamang ang anunsyo sa inyong bayan/lungsod dahil baka bayan niyo na ang susunod na may delivery at distiribution!

Pwede rin bisitahin ang aming facebook page para sa schedule ng seed delivery sa inyong lugar.

(DA, RCEF Seed Program, November 24, 2023)

Binhi e-Padala got your back! 📱✅🌾

Malapit 5,000 na mga ka-Palay naton ang nakigbahin sa binhi e-padala, isa ka digitally-aided nga seed distribution na nagatuyo nga mapagamay ang pila kag mapadasig para sa mga mangunguma ang paghatag sang binhi. Ginapangunahan naman ini sang mga farmers’ cooperatives kag associations ang sistema.

Madasig nabaton sang mga mangunguma ang 8,299 bags of certified seeds sa nagkalain-lain nga banwa kag syudad sang Western Visayas.

Ikaw ka-Palay, maki-binhi e-padala na! 😉👍

(FB, DA-PhilRice Negros, November 22, 2023)


Kaway-kaway sa mga nakatanggap na ng libreng binhi!

FB, RCEF Seed Program, Bago Agriculture, October 31, 2023

Serbisyong hatid ng RCEF para sas Zamboanga Sibugay, Lanao del Sur at Sarangani

Mas binigyang diin sa 350 ka-Palay ang serbisyong hatid ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) sa isinagawang seed distribution kick-off ceremony and programang briefing sa probinsya ng Zamboanga Sibugay, Lanao del Sur at Sarangani noong October 12, 19 at 27, 2023.

Ipinaabot sa mga ka-Palay ang benipisyong matatanggap at inaalok ng RCEF mula sa mga ahensya na kaagapay nito sa pagpapatupad: Agricultural Training Institute (ATI), Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech), Philippine Rice Research Institute (PhilRice), Technical Education for Skills Development Authority (TESDA), Development Bank of the Philippines (DBP) at Land Bank of the Philippines (LBP).

Naging sentro ng mga usapin ang sistema sa pautang na mababa ang interes, libreng binhi, at makinarya. Maliban dyan ay namahagi din ng babasahin na naglalaman ng serbisyong inaalok at mga kakailangin upang mapabilang sa mga benepisyaryo ng RCEF.

Ang aktibidad ay dinaluhan ng Department of Agriculture Regional Field Offices (DA-RFO), Local Government Units (LGU), Ministry of Agriculture Fisheries and Agrarian Reform (MAFAR),

Provincial Local Government Units (PLGU) at disrict representative mula sa opisina ni Senator Cynthia A. Villar.

FB, DA-PhilRice Midsayap, October 30, 2023

2024 Dry Season, here we go!

Mahigit 4,200 na sakong binhi na nakalaan sa probinsya ng Cavite, sinimulan nang ibahagi sa kick-off ceremony sa bayan ng Tanza para sa 2024 dry season.

“Napakaganda ng programang RCEF, kung noon ang karaniwang ani namin dito ay 3.5t/ha, ngayon ay nasa 4.2t/ha na,” bahagi ni Domingo Austria, Municipal Agriculturist ng Tanza.

Bukod pa rito, nagkaroon din ng pagbabago sa gastusin ng mga magsasaka dahil sa paggamit nila ng mga makinarya. Kung dati sila ay gumagastos ng mahigit 6k kada ektarya sa pagtatanim, ngayon ay mahigit 2k na lang ang kanilang nagagastos.

(FB, DA-PhilRice Los Baños, October 27, 2023)

READY NA TAYO, Zambales at Bataan!

Bilang hudyat ng 2024 dry season RCEF seed distribution, nagsagawa ang DA-PhilRice at mga partner-local government units nito ng kick-off ceremonies sa Zambales at Bataan.

Higit 10,000 sako (20kg kada sako) ng inbred certified inbred seeds ang nakalaan para sa bawat probinsya, at inaasahang ipamamahagi ito sa ating mga ka-Palay simula October 2023 hanggang March 2024.

Bukod sa binhi, makakatanggap din ang ating mga ka-Palay ng babasahin bilang gabay sa kanilang pagpapalayan.

FB, RCEF Seed Program, 📸Aeron John Garcia & Kaye Alarcon, October 17, 2023

Higit 280k na sako ng binhi, ipinamahagi!

Sa pagtatapos ng 2023 wet season, umabot sa mahigit 280k bags ng RCEF seeds ang ipinamahagi ng DA-PhilRice Los Baños sa buong CALABARZON at MIMAROPA.

Ayon sa Rice Seed Monitoring System (RSMS) nitong unang linggo ng Setyembre, may kabuuang 255,611 sako ng dekalidad na binhi ang naipamahagi na sa 100,251 na magsasaka sa dalawang rehiyon. Ito ay tinatayang naitanim na sa 118k ektaryang lupa.

Kaya hatid namin ang pasasalamat sa inyo, mga ka-Palay at sa mga LGU, na nagpakita ng suporta para sa isa muling season kasama ang RCEF.

Hanggang sa muling taniman! See you, ka-Palay

(FB, DA-PhilRice Los Baños, September 6, 2023)