Noong Hunyo 7, 2022 ay nagkaroon po ang Bayan ng Makata ng pamamahagi ng mga binhi ng inbred rice sa ating mga kababayang magsasaka. Ito po ay pinangunahan ng ating Alkalde Eladio Gonzales, Jr. katuwang ang pamunuan ng Municipal Agriculture Office.
Ang RCEF- Seed ay programa ng Department of Agriculture (DA) at Philippine Rice Research Institute (PhilRice); at bahagi ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) na nilikha naman ng Rice Tariffication Law (Republic Act No. 11203). Nilalayon po nito na mapataas ang produksyon ng bigas at gawing kompetitibo ang pagsasaka sa ating bansa.
Atin pong kinikilala ang NAPAKAHALAGANG AMBAG ng ating mga MAGSASAKA upang makapaghatid ng pagkain sa ating mga mesa. Kaya’t patuloy po nating sinusuportahan ang mga programang makapag-aangat ng kanilang kakayahan at kalagayan.
Mabuhay ang mga Magsasakang Pilipino! (Alkalde Eladio E. Gonzales Jr., FB)