Distribusyon ng mga binhi sa bayan ng Luna, Apayao
Ibat-ibang barayti ang napili ni ka-Palay Severino M. Ucol, taga Turod, Luna, Apayao para sa kanyang 13.43 ektaryang palayan.
Nakakuha siya ng 27 bag na binhi sa Binhi e-Padala ng RCEF Seed Program: limang bag ng NSIC RC222, anim na RC508, walong RC402, at walong RC160.

Para sa mga nais sumali sa Binhi e-Padala, makipag-ugnayan sa mga farmer coperative associations at Municipal Agriculture Office sa inyong lugar.

(FB, DA-PhilRice Isabela, May 17, 2024)

RCEF, 173,050 bag binhing inbred ipapamahagi sa Cagayan at Isabela para ngayong 2024WS

Kasama sa pinondohan ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Program sa ilalim ng batas na Rice Tariffication Law (Republic Act No. 11203) ang pagpapaunlad at pagpapalaganap ng mga binhing inbred na palay na ipapatupad ng DA-PhilRice.
Ang mga binhi ay ipapamahagi sa mga kwalipikadong magsasaka na nasa listahan ng Registry System for Basic Sector in Agriculture o RSBSA.

Ang Cagayan ay may alokasyong 80,650 bag at 92,400 bag naman sa Isabela. Ang Cagayan at Isabela ay kasama sa 77 probinsyang sakop ng programa.

Samantala, sa ginanap na 2024WS Seed Distribution Kick-Off Ceremony and Program Briefing sa Baggao, Cagayan nitong May 14, 2024 at Mallig, Isabela, May 15, 2024, muling ipinakilala ang mga programang RCEF sa mga magsasakang dumalo sa aktibidad.

Pinangunahan ito ni Dr. Rose Mary G. Aquino, Regional Executive Director ng DA-Region2, kasama ang mga implementing agencies mula PhilRice Isabela, PhilMech, ATI-Region2, TESDA, katuwang rin ang mga provincial at municipal agriculture partners, at LGU at mga baranggay officials na dumalo.

(FB, DA-Phil-Rice Isabela, May 16, 2024)