PROUD RCEF farmer-beneficiaries! 🥰🤗🌾

Apisar sa mainit nga tiempo, nangin mainit man ang pagbaton sang mga ka-palay naton sa ginhiwat nga RCEF Seed Distribution Kick-off ceremony and Program Briefing sa San Lorenzo, Guimaras.

Isa na diri si ka-palay Procesa Gamarcha, 62 anyos, gikan sa nasambit nga banwa. Suno sa iya, dako gid ang pasalamat kag kalipay niya nga nangin kabahin sila sa #RCEFSeedProgram tungod provided na ang binhi kag indi na nila kinanglan pa mangita sang binhi. Dugang pa ni Procesa, nami ang tubo kag produksyon kung certified seeds ang iya itanum.

Nagpalab-ot man sang pasalamat ang Municipal Agriculturist na si Caroline Brasileño nga sa ila lugar ginhiwat ang kick-off ceremony.

Ang banwa San Lorenzo may yara sang seed allocation nga 4,026 nga ipanghatag sa 2,016 farmer-beneficiaries sa sini nga 2024 wet season.

(FB, DA-PhilRice Negros, May 15, 2024)

Kauna-unahang Binhi e-Padala sa MIMAROPA, inilunsad na sa OrMin!

Nasiyahan ang 49 na magsasaka ng Pola sa ginanap na Binhi e-Padala seed distribution sa Oriental Mindoro nitong nakaraang Abril 9, kung saan nakatanggap sila ng mahigit 208 sako ng dekalidad na binhi.

Maganda ang Binhi e-Padala dahil madali na ang proseso, wala ng mahabang pila, at mas mabilis na namin nakukuha ang aming binhi. Kung dati, naghihintay kami ng 2-3 oras, dito ay wala pang 30 minuto nag-uumpisa na ang bigayan ng binhi,” wika ni Leny Pajotal.

Dagdag pa ni Jeomar De Villa, Pangulo ng Barca Communal Irrrigators Association (BaCIA), malaking kaginhawaan ito dahil hindi na kailangan pang bumyahe ng mga nasa malayong lugar dahil sa mismong bodega na ito ipinamamahagi. Ibibigay lang ng farmer ang seed card, i-scan ang tag ng binhi, at makukuha na nila ito agad.

Aniya, natunghayan din ng ilang pangulo ang sistema ng distribusyon sa Binhi e-Padala at aprub na aprub ang prosesong ito sa kanila. Kaya nais ni Pangulong Jeomar na mas lumawak pa ang implementasyon nito para mas magaan sa mga miyembro nilang magsasaka.

Nagsagawa na rin ng pre-registration para sa Binhi e-Padala ang bayan ng Victoria at Pinamalayan. Inaasahan na sisimulan na ang distribusyon sa mga susunod na linggo.

(FB, DA-PhilRice Los Baños, May 12, 2024)

Maligayang taniman, ka-Palay!

 (FB DA-PhilRice Los Baños, May 11, 2024)

Basta RCEF seeds, binabalikan ni ka-Palay ‘yan!

Nakatakdang makatanggap ng mahigit 125k na certified inbred seeds ang mga magsasaka sa probinsya ng Nueva Ecija.

Sa naganap na RCEF seed distribution kick-off ceremony at program briefing, ipinakita ng mga magsasaka ang excitement sa paggamit ng libreng dekalidad na binhi.

Ani Magdalena V. Bernardo, 50, nagpamalas ang natanggap nyang NSIC Rc 222 ng magandang bulas at dami ng butil.

“Taon-taon akong gumagamit ng ganitong klaseng binhi, mas matibay ito sa peste kumpara sa ibang variety na nagagamit ko, nakatipid din ako ng halos P5,000 sa gastos dahil libre nga ang binhi, may pambili ako ng gamot sa peste at insekto, kaya halos 90 kaban sa 0.7 ha ang inani ko,” dagdag nya.

Ang nasabing programa sa Aliaga, Nueva Ecija aya dinaluhan ng PhilRice, ATI, Landbank, Villar Sipag Foundation, agriculture office ng Aliaga, at provincial agriculture office ng Nueva Ecija.

FB, RCEF Seed Program, May 10, 2024, Photos by: Minard F. Pagaduan.

Tingnan: Ginanap naman ang pangatlong RCEF Seed Distribution Kick-Off Ceremony and Program Briefing sa Tayum Abra, ngayong araw.

Ang RCEF Seed Program ay naglaan ng alokasyong 24,445 bags na binhing inbred sa probinsya ng Abra at may 2000 bag naman sa bayan ng Tayum. Maaari pa itong madagdagan base sa request at availability ng mga binhi.

Suportado naman ang akitibidad sa pagdalo ni Hon. Eduardo A. Tejero, SB Committe on Agriculture; kasama ang mga rice coordinators, mga municipal agriculturists, at provincial rice program coordinator na si Silvestre Briones; mga taga TESDA-Abra; at mga magsasakang dumalo.

(FB, DA-PhilRice Isabela, May 9, 2024)