READY na ang libreng dekalidad na binhi para sa Bulacan!

May kabuuang 67,638 sako ng certified inbred seeds ang inilaan ng #RCEFSeedProgram para sa lalawigan ng Bulacan.

Sa ginanap na seed distribution kick-off ceremony sa Bustos, Bulacan, sinimulang ipamahagi ang 500 sakong binhi ng NSIC Rc 160, Rc 222, Rc 480 at Rc 534 para sa 70 ka-Palay na dumalo sa programa.

Ibinahagi ni ka-Palay Reynaldo Feliciano ang pasasalamat sa programa dahil sa libreng binhing natatanggap.

“Dalawang taon na rin akong nakakatanggap ng binhi mula sa RCEF. Malaking tulong ito sa amin. Dati, kailangan pa naming bilhin ang 40kg na binhi; ngayon, basta fully registered sa RSBSA ay makakatanggap tyak ng libre at dekalidad pa na bnhi,”, aniya.

Inaasahang tuloy-tuloy ang pamamahagi sa lalawigan sa mga susunod na araw. Makipag-ugnayan lamang sa inyong city/municipal agriculture office para sa final schedule ng seed distribution sa inyong lugar.

(FB, RCEF Seed Program, May 8, 2024)

Binhing RCEF para sa mga ka-Palay ng Balbalan, Kalinga

Masayang nakatanggap ng dekalidad na binhing palay galing RCEF Seed Program ang mga ka-Palay sa Balbalan, Kalinga. Isinagawa ang distribusyon ng binhi sa ginanap na RCEF Kick-Off Ceremony and Program Briefing sa lugar kahapon.

Karamihan sa higit 170 magsasakang dumalo sa aktibidad ay mga kababaihan. Ayon sa kanila, biyaya ang mga libreng binhing natanggap lalo na at magtatanim na sila ngayong buwan ng Mayo.
Nagpasalamat naman si Hon. Mayor Almar P. Malannag, sa Department of Agriculture gayundin sa mga programang RCEF sa patuloy na pagtugon sa mga pangangailangan ng mga magsasaka sa kanilang lugar. Dahil dito, maituturing na raw nilang food sufficient ang bayan ng Balbalan.

Nagpresenta rin sa aktibidad ang mga taga TESDA-Kalinga; OPAG; at si Municipal Agriculturist Arnel L. Malaggay.

(FB, DA-PhilRice Isabela, May 8, 2024)

DAPAT tama ang pamamahala ng sustansya sa palayan! ✔️

‘Yan ang naging paksa sa ginanap na knowledge sharing and learning o KSL activity sa Tagkawayan, Quezon. Nagkaroon ng diskusyon sa tamang pamamahala ng sustansiya sa palayan maging ang iba’t ibang nutrient diagnostic tools na maaaring gamitin ng mga magsasaka, tulad ng Minus-One Element Technique (MOET), Abonong Swak, Leaf Color Chart, at Rice Crop Manager Advisory Service (RCMAS).

Sa mga nabanggit na tools, nagpahayag ng kagustuhan ang mga magsasaka na subukan ang MOET at Abonong Swak.

Ika ni ka-Palay Mae Ronalyn Herrera, bilang anak ng magsasaka na gumagalaw rin sa kanilang taniman, mahalaga na nagkaroon ng diskusyon sa ganitong paksa dahil malaki ang nagagastos nila sa pag-aabono. Kung malalaman nila ang tamang paraan, dami, panahon, at elemento sa pamamahala ng sustansiya, malaki ang posibilidad na tumaas ang kanilang ani at mabawi nila ang kanilang gastos sa produksyon.

Ang diskusyon sa pamamahala ng sustansiya ang napiling paksa sa KSL activity dahil ito ang lumabas sa communication needs assessment na isinagawa noong April 23, 2024 kung saan nagsurvey ang mga kawani ng DA-PhilRice Los Baños sa ilang farmer-leaders sa Tagkawayan, Quezon.

Ang pagsasagawa ng KSL activity ay parte ng layunin ng RCEF Extension Program na magbahagi ng kaalaman patungkol sa pagpapalayan na makatutulong sa pagpapataas ng ani ng mga magsasaka.

(FB, DA-PhilRice Los Baños, May 8, 2024)

TANIMAN na sa Oriental, ka-Palay! 😁
Upang magbigay-daan sa isang bukas na talakayan sa mga serbisyong hatid ng RCEF Program sa Oriental Mindoro, silipin ang ginanap na 2024 Wet Season Seed Distribution Kick-off Ceremony and Program Briefing sa Bahay Tuklasan, Naujan, Oriental Mindoro.
Kasama ang mahigit 100 magsasaka at kawani ng gobyerno, ang seremonya ay dinaluhan ni Congressman Arnan C. Panaligan; Municipal Agriculturist Raquelita Umali; Provincial Rice Coordinator Engr. Jefte Bayongan; NIA MIMAROPA Regional Manager Engr. Ronilio Cervantes; PhilMech Provincial Focal Person Engr. Jean Marie Alido; ATI RTC-MIMAROPA RCEF Focal Person Marilyn Gabani-Gonda; Ms. Rhea Liza Medrano at Mr. Elber Cayabyab ng BPI-NSQCS; at Mr. Jose Arnulfo Sarte ng DBP.

 (FB, DA-PhilRice Los Baños, May 7, 2024)