π₯πππ π¦πππ π£π₯π’ππ₯ππ β Programa para sa mga magsasaka ang opisyal na inilunsad ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Seed Program sa ilalim ng Department of Agriculture (DA) nitong linggo sa Heroes Hall.
Aabot sa higit 100,000 na sako ng libre at dekalidad na binhi mula sa nasabing programa ang inihanda at ipinamahagi sa mga Fernandino at Kapampangan farmers kasabay ng pagbibigay ng impormasyon tungkol sa RCEF Seed Program, sa pamamagitan ng briefing para sa mga grupo ng magsasaka.
Dumalo rin at nagbigay ng mensahe si Mayor Vilma Balle-Caluag, kasama si City Agriculturist Cristina Sangumay at mga opisyal ng RCEF, na kinilala ang mahalagang papel ng mga ortelanung Fernandino (magsasaka) sa Syudad San Fernando, Pampanga at ipinangako ang patuloy pang programa ng lokal na pamahalaan upang palakasin pa ang kabuhayan ng mga pamilyang magsasaka.
Kasama sa mga binhing ibinahagi sa kick-off ceremony ang NSIC RC (National Seed Industry Council-Ratoon Crop) 543 at RC 480 na makabago at nakikitang mas maganda ang kalidad kasama pa ang mga kaalaman tungkol sa makabagong teknolohiya sa pagtatanim at pag-ani.
Inaanyayahan naman ang mga magsasaka na lumapit o magtungo sa kanilang municipal o city agricultural officers upang masali sa programa at makakuha ng libring binhi. Sa Syudad San Fernando, handang umantabay ang City Agriculture and Veterinary Office. |
ππΎππ, πΎππ-ππΎπ, πππ, ππΏπ May 2, 2024
(FB, DA-PhilRice Isabela, May 1, 2024)