Sa RCEF tuloy pa rin ang pamamahagi ng libreng dekalidad na binhi 🌾

Halos 100,000 sako ng libreng dekalidad na binhi mula sa #RCEFSeedProgram ang inilaan para sa kwalipikadong magsasaka sa Pampanga.

Ayon kay Emily Salazar, malaking ginhawa ang dulot ng programa para sa mga magsasaka.
“Dahil sa RCEF Seed Program, dekalidad ang binhing natatanggap namin, malaki rin ang natitipid namin dahil hindi na kailangan pang bumili ng binhi, nailalaan na namin ang pambili para sa iba pang gastusin,” anya.

Isa si Emily sa mga nakatanggap ng binhi sa ginanap na seed distribution kick-off at program briefing sa San Fernando, Pampanga.

Kasama sa mga ipinamamahaging barayti sa kick-off ceremony ang NSIC Rc 534 at Rc 480. Bukod sa binhi, nakapag-uwi rin sila ng mga babasahin na magsisilbing gabay nila sa makabagong teknolohiya at pamamaraan sa pagpapalayan.

Makipag-ugnayan lamang sa inyong city/municipal agriculture office para sa schedule ng seed distribution sa inyong lugar.

(FB, RCEF Seed Program, April 30, 2024)

Isang taon na ang nakalipas, ngiti mo’y ‘di pa rin kumukupas! 😁👍❤🌾
SMILE to the max pa rin si ka-Palay Steve Dumadiego mula sa San Enrique, Negros Occidental nang makatanggap muli ng certified seeds ngayong 2024 wet season sa #RCEFSeedProgram.
Ikaw ka-Palay, patingin naman ng maganda mong ngiti diyan! 😁


Pamamahagi ng binhi sa Tobias Fornier, Antique! 😉👌🌾

Isa na namang matagumpay na araw para sa mga magsasaka ng Tobias Fornier (Dao), Antique. Umuwing nakangiti na dala dala ang kanilang nakuhang certified seeds mula sa RCEF. Bago sinimulan ang pagpamahagi ng binhe ay nagkaroon muna ng briefing sa ating mga magsasaka. Ang RCEF seeds ay certified at libre at bawal itong ipa giling o ibenta. (FB, DA-PhilRice Negros, Ryan Telebrico, April 22, 2024)