Hindi DIWATA pero dinudumog at pinipilahan sa Western Samar! 👀

Sa pagbubukas ng Wet Season 2024, mahigit 320 magsasaka ang nakatanggap ng libreng dekalidad na binhi at babasahin mula sa RCEF!

Pinangunahan rin ng DA-RFO 8, PhilMech, ATI-RTC 8, Landbank Samar LC, TESDA PO-Samar, BPI-NSQCS 8, at PhilRice ang program briefing kung saan ay mas nakilala pa ng ating mga magsasaka ang iba’t ibang programa ng RCEF at kung papaano makakapag avail.

Masaya ring ibinahagi ng ating mga ka-Palay ang kanilang kwentong RCEF kung saan ibinida nila ang dagdag ani magmula ng naging benepisyaryo ng RCEF.

Ayon kay ka-Palay Leonard Daz, bahagyang dumoble ang kanyang ani. Aniya, “mula 20 bags, ngayon ay umaabot na ng 56 bags ang aking ani! Lalo na yung aking paborito na NSIC Rc 506!“.

Iginawad rin ng ating RCEF implementing agencies ang Certificate of Support sa Provincial Government of Samar kung saan 27,199 bags ng certified seeds ang malawakang ipapamahagi sa mahigit 10,000 magsasaka sa buong probinsya.

Para sa schedule ng delivery at distribution, makipag-ugnayan lamang sa pinakamalapit na agriculture office sa inyong lugar.
Kung may tanong naman sa pagpapalay, mag text o tumawag sa PhilRice Text Center 0917-111-7423.

(FB, DA-PhilRice Bicol, April 26, 2024)

Let the deliveries begin!🌾

Nagsimula nang mamahagi ang DA-PhilRice Los Baños ng certified inbred seeds mula sa #RCEFSeedProgram sa mga lugar sa CALABARZON at MIMAROPA para sa 2024 wet season.
Mahigit 13k na sako ng dekalidad na binhi ang inaasahang mai-deliver ngayong linggo sa mga local government unit.

Para sa schedule ng pamamahagi ng binhi, makipag-ugnayan sa inyong city o municipal agriculture office.

Maligayang taniman, ka-Palay!

(FB, DA-PhilRice Los Baños, April 23, 2024)