Kahit ilang binhi at ilang ektarya, pwede sa Binhi e-Padala

Mas napabilis at napadaling pamamahagi ng binhi galing sa RCEF Seed Program dahil sa Binhi e-Padala. Bukod pa rito, kahit ilang binhi pwedeng makuha kahit ilang ektarya ang sinasaka.
Ang Binhi e-Padala ay isang elektronikong systema ng distribusyon. Ang mga kapartner na kwalipikadong farmer cooperative associations (FCA) ng programa ay magsasagawa muna ng pre-registration upang malaman ang luwang ng sinasaka, alokasyong binhi, at uri ng barayting ipapamahagi sa mga miyembro ng FCA.

Sa pre-registration, makakakuha ang magsasaka ng QR code na siyang ipapakita sa kapartner na kooperatiba ng RCEF program upang makakuha ng binhi sa araw ng distribusyon.

Unang nagsagawa ng distribusyon ng mga binhi ang bayan ng Alfonso Lista, Ifugao ngayong 2024 Wet Season sa pamamagitan ng Binhi e-Padala ngayong linggo. Dumaan muna sa masusing inspeksyon ang mga binhi bago maipamahagi sa mga magsasaka.

Samantala, magkakaroon naman ng pre-registration sa bayan ng Luna at Santa Marcela, Apayao ngayong Abril 26, 2024.

(FB, DA-PhilRice Isabela, April 20, 2024)

Tuloy-tuloy sa serbisyo mula sa RCEF Seed Program

Higit 1,400 sako ng libreng dekalidad na binhi ang sinimulang ipinamahagi sa mga kwalipikadong magsasaka sa ginanap na seed distribution kick-off ceremony at program briefing sa Datu Paglas, Maguindanao del Sur.

May kabuuang alokasyon na 7,109 ang bayan at inaasahang maipamamahagi ang mga ito para sa 2024 wet season.

Hands up, sa mga ka-Palay natin na nakatanggap na ng libreng binhi!

(FB, DA-PhilRice Midsayap, April 17, 2024)

Pamamahagi ng Dekalidad na Binhing Palay mula sa RCEF , Pagsasagawa ng Technical Briefing, Pamamahagi ng IEC materials

Ang Tanggapan ng Panglunsod na Agrikultor sa pamumuno ni Bb. Abegail F. Agnes ay namahagi sa mga magsasaka ng palay para sa panahon 2024 Wet Season ng Dekalidad na Binhi 468 bags NSIC Rc 216 at 20 bags NSIC Rc 160 @40kgs. Tinanggap ng mga magsasaka mula sa Brgy. Sta. Maria, Sto.Angel , Santissimo Rosario, Sta Isabel, San Isidro, Lunsod ng San Pablo ang 2 bags na binhi sa isang (1) ektarya @ 40 kilos.

Kasabay din ang pagsasagawa ng technical briefing ukol sa palay upang mapalawak ang kaalaman ng magsasaka at pamamahagi ng Information, Education and Communication (IEC) materials.

FB, RCEF Seed Program, FITS Center San Pablo City, April 16, 2024)

Unang bansada ng pamamahagi ng libreng dekalidad na binhi sa Pangasinan, umarangkada na!
Bilang opisyal na umpisahan ang pamamahagi ng libreng dekalidad na binhi sa mga magsasaka ng Pangasinan, pasa sa 2024 wet season, nagsagawa ang DA-PhilRice Batac ng “RCEF seed delivery and distribution kick-off ceremony” sa bayan ng Binalolan, Pangasinan.

Kasabay nito ang pagsagawa ng RCEF program briefing upang maipa-alam sa mga magsasaka ang iba’t-ibang aktibidad at programa ng RCEF mula sa apat nitong component (seed, extension, credit, at machine).

(FB, DA-PhilRice Batac, April 15, 2024)

Free certified inbred seed delivery and distribution kick-off ceremony and program briefing of the RCEF program for 2024 Wet Season in Sugpon, Ilocos Sur.

(FB, DA-PhilRice Batac, April 11, 2024)