๐˜‹๐˜Œ๐˜’๐˜ˆ๐˜“๐˜๐˜‹๐˜ˆ๐˜‹ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฉ๐˜ช, ๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜จ๐˜ช!

Para sa tag-ulan na taniman ngayong 2024, nagsimula na ang pamamahagi ng certified inbred seeds mula sa #RCEFSeedProgram.

Sa ginanap na ceremonial seed distribution sa Brgy. Pagatin I, Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao Del Sur, halos 800 sako na ng barayting NSIC Rc 222 ang naipamahagi sa mga magsasaka.

Nasa 4,000 sako ng dekalidad na binhi ang alokasyon para sa mga kwalipikadong magsasaka ng Shariff Saydona Mustapha, kaya tuloy pa rin ang pamamahagi ng binhi sa mga susunod na araw para sa ibang bayan.

Ka-Palay, isa ka ba sa mga nakatanggap na ng dekalidad na binhi? I-share mo na ang experience mo sa seed distribution dito sa ating comment section!

Sa mga ka-Palay naman natin na hindi pa nakakatanggap ng binhi, donโ€™t worry, malay mo sa inyong bayan na ang susunod na distribution, makibalita lang sa inyong city/municipal agriculture office para updated sa schedule nito๐Ÿ˜‰

FB, DA-PhilRice Midsayap, March 21, 2024

RCEF Inbred Certified seeds pinamahagi!

Sa ginanap na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Sultan Kudarat, nakiisa ang DA-PhilRice Midsayap at iba pang ahensiya sa pagbibigay ng serbisyo na ipinatutupad ng pamahalaan para sa mga mamamayan.

Isa sa mga serbisyong hatid ay ang pamamahagi ng kabuuang 79,585 na sako ng libreng dekalidad na binhi mula sa #RCEFSeedProgram para sa 2024 wet season.

Taas kamay ng mga ka-Palay natin na nakilahok at nakatanggap ng RCEF seeds!

(FB, RCEF Seed Program, March 4, 2024)

71k na magsasaka ng Region IV-A at B, nakatanggap na ng binhi!๐ŸŒพ

Mula sa datos ng Rice Seed Monitoring System, tinatayang umabot sa 210k na sako ng certified inbred seeds ang nai-deliver sa sampung probinsiya ng CALABARZON at MIMAROPA para sa 2024 dry season.

Mahigit 178,000 na dito ang naipamahagi sa 71,000 na kwalipikadong magsasaka at inaasahang maitanim sa mahigit 81,000 na ektaryang palayan.

Kabilang sa mga barayti na ipinamahagi ay ang NSIC Rc 216, Rc 218, Rc 480, Rc 160, Rc 222, Rc 508, Rc 436, Rc 512, at PSB Rc 18.

(FB, DA-PhilRice Los Baรฑos, February 7, 2024)

RCEF Certified Seeds Distribution

January 2024 | TIAONG, QUEZON – Patuloy ang suporta ng Municipal Agriculture Office – FITS Center Tiaong, Quezon sa ating mga magsasaka sa kanilang palayan sa pamamagitan nang pamimigay ng mga RCEF Certified Seeds na mula naman sa DA-PhilRice Los Baรฑos.

Ang layunin ng RCEF Seed Program ay nakatuon sa pamimigay ng certified na binhing palay upang makabawas ng gastusin ng mga magsasaka at mapataas ang kanilang ani.

(FB, DA-PhilRice Los Baรฑos, Municipal Agriculture Office - FITS Center Tiaong, Quezon, February 5, 2024)