Ngayong araw ay pinangunahan ng ating mahal na pangulo, Pres. Ferdinand R. Marcos Jr. at ating kalihim sa Kagawaran ng Pagsasaka (DA) Sec. Francisco “Kiko” P. Tiu Laurel Jr. ang pamamahagi ng ayuda at tulong pinansyal lalo na sa mga magsasaka na lubhang naapektuhan ng dumaang tagtuyot sa Bicol.

Sa pangunguna ng DA-RFO V ay sanib pwersa rin ang mga kalakip ahensya ng kagawaran tulad ng PhilRice, PhilMech, BFAR, PCIC, at Sugar Regulatory Adminstration sa pamamahagi ng mga farm machineries at inputs para sa mga magsasaka at mangingisda.

Mula naman sa RCEF ay libreng inbred rice seeds at mga babasahin tungkol sa pag-aabono at rekomendadong dami ng binhi sa bawat ektarya ang ipinamahagi na swak ngayong bagong taniman!

FB, DA-PhilRice Bicol, June 7, 2024 

PalaySikatan 2.0 at Binhi e-Padala, inilunsad na sa Lucena!

Handa na ang mga farmer-cooperator mula sa Lucena City sa pagsisimula ng PalaySikatan 2.0 ngayong taniman, kung saan 50 ektarya na palayan ang gagamitan ng mga binhi at teknolohiya na naglalayon na mapataas ang kanilang ani at mapababa ang kanilang gastusin sa pagsasaka.

Ito ay isasagawa ng mahigit 50 farmer-cooperators mula sa Brgy. Ibabang Talim, kaisa ang PhilRice, City Agriculture Office (CAO), DA-RFO at ibang partner na ahensya ng RCEF.

Bahagi ni Mario Daluz, 67, malaking tulong ang pagiging farmer-cooperator dahil maingat silang magagabayan mula sa paghahanda ng lupa hanggang sa pag-aani. Kung magkaroon man sila ng problema ay agad itong masosolusyonan.

Sinimulan na rin ang pamamahagi ng binhi sa kanilang bayan sa pamamagitan ng sistemang Binhi e-Padala.

Ibinagi naman ni Jose Habito Oriola, farmer-cooperator, na mas maayos ang kanyang karanasan sa Binhi e-Padala dahil mas mabilis ang proseso nito, pipila lamang sila saglit at ipapakita ang ID, makukuha na agad nila ang kanilang binhi.

(FB, DA-PhilRice Los Baños, June 18, 2024)

Ka-Palay! Panibagong season nanaman ng taniman! Handa na ang RCEF!

Sa bayan ng Ormoc City, Leyte at Sogod, Southern Leyte, nagsagawa tayo ng RCEF Seed Distribution Kickoff hudyat ng malawakang pamamahagi ng libreng dekalidad na binhi mula sa RCEF.

Pinangunahan rin ng DA-RFO VIII, ATI-RTC 8, BPI-NSQCS 8, TESDA, at iba pa nating ka-partner ang paghahatid ng mga mahahalagang impomasyon tungkol sa mga programang handog ng RCEF. Namahagi rin tayo ng mga babasahin na gagabay sa ating mga magsasaka sa kanilang pagpapalay lalo na sa usaping pag-aabono.

 


PAMAMAHAGI ng dekalidad na binhi mula sa #RCEFSeedProgram, kasalukuyang ginaganap sa Donsol Sorsogon!

Taas kamay ng mga ka-Palay natin na present sa seed distribution ngayon!

FB, DA-PhilRice Bicol, June 3, 2024

MAGDIWANG, Romblon! RCEF seeds ay narito na!

Bakas ang saya sa mukha ng mahigit 130 magsasaka mula sa bayan ng Magdiwang nang makatanggap ng libreng dekalidad na binhi mula sa #RCEFSeedProgram sa kauna-unahang RCEF Seed Distribution Kickoff Ceremony at Program Briefing sa probinsya ng Romblon.

Mahigit 9k na sako ng certified inbred seeds ang inaasahang maipamamahagi sa buong probinsya ngayong 2024 wet season. Samantala, 1k sako naman ang nakalaan sa Magdiwang.
Bukod sa pamamahagi ng binhi, tinalakay din ang mga serbisyo na hatid ng RCEF sa mga magsasaka.

Dati, wala akong ideya kung ano ang RCEF. Tanggap lang kami nang tanggap ng binhi pero hindi namin naiintindihan kung saan ito galing. Kaya malaking bagay talaga na nakadalo sa gawain na ito dahil naliwanagan kami kung ano ang RCEF, kung saan pondo ito galing, at kung paano maka-avail ng mga serbisyo para sa aming magsasaka,” bahagi ni Luz Rabo.

Ipinahayag din niya na sa paggamit ng certified seeds mula RCEF ay dumoble ang kanyang ani, mula 30 sako ay naging 62 sako na sa kalahating ektarya niyang taniman.

Nakatanggap din ang mga kalahok ng babasahin mula sa RCEF Extension Program upang mas palawakin ang kanilang kaalaman sa pagpapalayan.

(FB, DA-PhilRice Los Baños, June 3, 2024)