Sa Binhi e-Padala, pagtanggap ng binhi ay hassle-free na!

Higit 140 sako ng libreng dekalidad na binhi mula sa #RCEFSeedProgram ay ipinamahagi sa 57 na kwalipikadong magsasaka sa Libungan, Cotabato.

Ilan sa mga barayting ipinamahagi ay ang NSIC Rc 440 at Rc 222.

Sa tulong ng Cotabato Integrated Seed Producers Marketing Cooperative, nagkaroon ng pagkakataon ang mga magsasaka na subukan ang mas pinabilis na proseso ng pagtanggap ng binhi.

Ayon kay Noel Noble, isa sa mga nakasubok ng Binhi e-Padala, nagpapasalamat siya sa mabilis na proseso ng RCEF seed distribution sa kanilang lugar.

Maraming salamat sa RCEF dahil sa Binhi e-Padala, hindi na mahirap at matagal ang pagkuha namin ng binhi, mas marami ang oras namin para sa iba pang mga gawain”, pagbabahagi niya.
Ang RCEF Binhi e-Padala ay isang digitized platform na ginawa ng RCEF Seed Program upang maging mas mabilis at madali ang proseso ng pagbibigay ng libreng dekalidad na binhi.

FB, DA-PhilRice Midsayap, May 31, 2024


Binhi e-Padala umarangkada sa Camarines Norte!

Umabot sa mahigit 1,180 sako ng libreng certified inbred seeds ang naipamahagi sa probinsya ng Camarines Norte sa pamamagitan ng Binhi e-Padala ng #RCEFSeedProgram.

Kasama dito ang tatlong munisipyo ng Capalonga, Daet, at Labo, Camarines Norte.

Ang Binhi e-Padala ay ang mas pinadaling paraan ng RCEF seed distribution sa tulong ng digital technology. Katuwang ang mga partner Farmer Cooperatives and Association (FCAs) sa pagpapatupad nito, gaya ng Cabibirok Alayao Farmers Association, Farmer Irrigators’ Association of Guibasan, Matogdon Irrigators Association at MASICAP Multi-Purpose Cooperative.

FB, DA-PhilRice Bicol, May 31, 2024

Sa Binhi E-Padala:
✅ Libre.
✅ Paspas.
✅ Walay kuskos balungos.
Sa gipahigayong Binhi E-Padala sa Maramag, Bukidnon, miingon si Danny Cariaga, 52 anyos nga mag-uuma nga “tsada kaayo kay organized, ug mas paspas akong pag claim sa NSIC Rc 480.” Excited na usab siya itanum kini nga barayti.

Ang Binhi E-Padala usa ka paspas ug sayon nga pamaagi sa pagapod-apod sa RCEF na binhi, nga maggamit og digital voucher system. Sa kasamtangan, aduna pay uban nga seed distribution og kini mag depende sa schedule sa inyong LGU.

(FB, DA-PhilRice Agusan, May 31, 2024)

Ka-Palay, nakatanggap ka na ba ng binhi ngayong 2024 Wet Season ?

Nagsimula nang mamahagi ang ilang LGUs ng mga binhing inbred sa Cordillera at Rehiyon Dos. Mayroon ng higit 230,000 (82%) na kabuuang bilang ng mga binhing naideliber ng RCEF Seed Program sa sampung probinsyang sakop ng DA-PhilRice Isabela.

Tuloy-tuloy pa rin ang delivery ng mga karagdagang alokasyon sa mga munisipyo sa dalawang rehiyon. Kaliwat-kanan din ang masusing inspeksyon ng mga seed inspektors at provincial coordinators upang masiguro ang kalidad ng mga binhi.

Samantala, namahagi naman ang RCEF Extension Program ng mga posters at tarpaulins tungkol sa Rice Info Sources, Rice Apps, Harmful Organisms, Helpful Organisms, Major Diseases, at Common Weeds para sa mga LGUs upang maging gabay ng mga magsasaka sa pagpapalay.

Kung hindi ka pa nakatanggap, makipag-ugnayan sa inyong municipal agriculture office upang magabayan kayo sa iskedyul at mismong araw ng distribusyon ng mga binhi.

(FB, DA-PhilRice Isabela, May 30, 2024)


Pamamahagi ng libreng dekalidad na binhi sa La Union, Umarangkada na!

Bilang opisyal na pag-uumpisa ng pamamahagi ng libreng dekalidad na binhi sa La Union, para sa 2024 wet season, nagsagawa ang DA-PhilRice Batac ng “RCEF seed delivery and distribution kick-off ceremony & program briefing” sa Luna, La Union.

Naipakilala din ang PalaySikatan 2.0, na kung saan ay magsasagawa ang DA-PhilRice Batac ng technology demonstation sa 50 ektaryang sakahan sa Luna La, Union upang maituro ng aktual sa mga magsasaka ang paggamit ng mga teknolohiyang pansaka.

Layunin ng aktibidad na mas mapalawak pa ang kaalaman ng mga magsasaka sa makabagong teknolohiya upang tumaas ang kanilang ani at bumaba ang gastos.

Bukod sa pagpapababa ng gastos at pagpaparami ng ani, ituturo rin ng DA-PhilRice Batac ang wastong paraan upang mas mapataas pa ang kita ng mga magsasaka sa pamamagitan ng Rice Business Innovation System (RiceBis).

(FB, DA-PhilRice Batac, May 30, 2024)