Sagana sa gulayan at palayan: welcome sa Mankayan!

Sa dulo ng Benguet, matatagpuan ang bayan ng Mankayan, sagana sa iba’t-ibang uri ng gulay, at ang ibang parte ng taniman ay mga iba’t-ibang uri ng palay katulad ng red rice, black rice, heirloom rice, glutinous rice, hybrid, at inbred rice.

Ayon sa datos ng Municipal Agriculture Office ng Mankayan, mayroong tinatayang higit na 5000 ektaryang taniman ng mga gulay at mayroong higit na 200 ektarya namang tinatamnan ng mga palay sa bayan.

Bukod sa gulay, nais din ng DA-PhilRice na mapataas ang produksyon ng bigas sa bayan sa pamamagitan ng pagtatanim ng hybrid at inbred rice.

Sa pamamagitan ng RCEF Seed Distribution Kick-Off Ceremony (SDKC) and Program Briefing na ginanap kahapon sa lugar, ipinakilala ang iba’t-ibang rekomendadong inbred na barayti na makakatulong sa kanilang mapataas ang ani ng higit sa 10% katulad ng NSIC Rc222, Rc402, Rc218, Rc506, at Rc514.

Pinangunahan ang aktibidad ni Mayor Dario S. Banario; SB Chair of Committee on Agriculture Hon. Harod Guanso; Provincial Agriculturist Delinia Juan; mga tiga Office of the Municipal Agriculturist ng Mankayan, Itogon, Sablan, Tuba, La Trinidad, Kapangan, Atok; mga tiga TESDA; at mga magsasaka.

Ito ang panghuli at pang-pitong RCEF SDKC and Program Briefing na ginawa ngayong 2024 Wet Season. Gaganapin naman ang aktibidad para ngayong 2025DS sa probinsya ng Apayao, Quirino, at Nueva Vizcaya.

(FB, DA-PhilRice Isabela, May 24, 2024)