(FB, DA-PhilRice Isabela, May 22, 2024)
Malawakang pamamahagi ng libreng dekalidad na binhi, nagsimula na rin sa Northern at Eastern Samar!
Sa pagbubukas ng Wet Season 2024, mahigit 160 ka-Palay natin mula sa LGU-Rosario at LGU-Quinapondan ang paunang nakatanggap ng certified seeds mula sa RCEF at DA-National Rice Program.
Ayon kay ka-Palay Mila Estillero, excited na uli sya ngayong taniman na muli umani ng mas mataas kumpara sa kanyang inaani noon na mas mababa sa kanyang inaasahang ani.
“Nitong nakaraang taniman, gumamit ako ng certified seed mula sa RCEF at umani ng 71 bags sa kalahating ektaryang taniman kumpara noon na nasa 40-42 sako lamang. Susubok naman ako ng ibang barayti ngayong taniman at sana tuloy-tuloy ang mga ganitong programa lalo na ang RCEF!”
Maliban sa binhing palay, namahagi rin ng mga babasahin sa pagpapalay na magsisilbing gabay nila tungo sa makabago at mas napapanahong pamamaraan sa pagsasaka.
Para sa schedule ng pamamahagi ng libreng binhi mula sa RCEF at DA-NRP, bumisita lamang sa pinakamalapit na agriculture office sa inyong lugar.
FB, DA-PhilRice Bicol, May 21, 2024
Libreng binhi sa BATANGAS, ipinamamahagi na!
Masayang nakatanggap ng binhi ang mga magsasaka ng Lian sa isinagawang kauna-unahang Seed Distribution Kickoff Ceremony at Program Briefing para sa buong Batangas nitong nakaraang linggo.
Nakatakdang makatanggap ng mahigit 8k na sako ng certified inbred seeds ang Batangas ngayong 2024 wet season. Samantalang mahigit 1k sako ng binhi naman ang nakalaan sa bayan ng Lian.
Nagkaroon ng pagkakataon ang mga kalahok na magsasaka upang ibahagi ang kanilang mga tanong hinggil sa programang RCEF at magkaroon ng kalinawan ukol dito.
“Napakalaking tulong ng natatanggap namin na binhi. Dati kasi ay humahanap at bumibili pa kami ng itatanim pero simula nang dumating ang RCEF, may libre na kaming natatanggap tuwing taniman. Nakatipid pa ako ng P2,400 sa pagbili ng binhi at tumaas pa ang ani ko mula 85 sako kada ektarya, ngayon ay umaabot na sa 100 sako kada ektarya,” bahagi ni ka-Palay Miguela Vergara Noche.
Patuloy na ang pamamahagi ng binhi sa iba’t ibang bayan sa Batangas ngayong linggo. Para sa seed distribution schedule, makipag-ugnayan lamang sa inyong city o municipal agriculture office.
(FB, DA-PhilRice Los Baños, May 21, 2024)