HIGIT 100 magsasaka nakatanggap ng libreng dekalidad na binhi sa ginanap na RCEF Seed Distribution Kick-Off Ceremony at Program Briefing para sa 2024 wet season sa bayan ng Lutayan, Sultan Kudarat.

Naglaan ang #RCEFSeedProgram ng kabuuang alokasyon na 7, 659 sako ng dekalidad na binhi para sa bayan ng Lutayan at 82,152 naman ang nakalaan sa buong probinsya ng Sultan Kudarat.
Maganda ang programa ng RCEF, malaki ang naitutulong nito sa mga magsasaka kasi hindi na kailangan pa makipag-barter sa kapwa magsasaka ng binhi,”, kwento ni ka-Palay Jaime G. Viloria, isa sa mga magsasakang dumalo.

Suportado ang aktibidad sa pagdalo ni Hon. Alfonso Dimasuay, Sangguniang Panlalawigan; Hon. Noel Antonio Lutayan SB Chair of Agriculture; Hon. Zacaria R. Macasayon, Municipal Councilor; Mr. Norodin Palti, Province of Sultan Kudarat Representative; at RCEF implementing agencies.

FB, DA-PhilRice Midsayap, May 17, 2024

Halos 10,500 sako ng RCEF certified inbred seed nakalaan para sa Zamboanga del Norte

Nakatanggap muli ng libreng dekalidad na binhi ang mga magsasaka sa bayan ng Polanco, Zamboanga del Norte matapos ang Seed Distribution Kick-Off Ceremony at Program Briefing.

“Malaki talaga ang naitutulong ng RCEF sa mga magsasaka, nagbibigay ito ng mataas na ani dahil na rin sa magandang kalidad ng binhi”, pagbabahagi ni ka-Palay Roselia J. Ybanes, isa sa mga nakatanggap ng binhi.

May kabuuang 800 sako ng binhing NSIC Rc 442 at NSIC Rc 160 ang nakatakdang ipamahagi sa bayan.

Sino na sa mga ka-Palay natin ang nakatanggap ng binhi? I-comment na kung anong barayti ang natanggap mo!

FB, DA-PhilRice Midsayap, May 17, 2024