Distribution of certified palay seeds from RCEF

Maraming salamat po at Marami n nmn kaung natulungang mga magsasaka ng palay…

FB, RCEF Seed Program, Joey Alvarez, May 17, 2024

Higit 64k na binhi, handa na sa PALAWAN ipamahagi!

Sinimulan na ang pamimigay ng certified inbred seeds sa probinsya ng Palawan sa ginanap na 2024 Wet Season Seed Distribution Kick-off Ceremony at Program Briefing sa bayan ng Narra.
Tinanggap nila dito ang sertipiko ng alokasyon kung saan may kabuuang 69k na sako ng binhi ang nakalaan para sa Palawan at mahigit 14k sa bayan ng Narra.

Bahagi ni Danilo Roque, 73, magandang oportunidad ang gawain ito dahil nalalaman nila ang ibang serbisyong hatid ng RCEF bukod sa libreng binhi, tulad ng mekanisasyon at pautang. Aniya, malaking bagay ito dahil maibabahagi rin nila ang ganitong impormasyon sa ibang hindi nakadalo sa aktibidad.

Dagdag pa niya, lubos na nakatulong ang RCEF sa kanya dahil tumaas ng halos 20-25 sako ng binhi ang kanyang ani nang gumamit ng certified seeds. Bukod pa rito, natutunan din niya ang tamang pamamaraan sa pagsasaka tulad ng tamang timing sa pag-aabono at pagtukoy sa mga kaibigang insekto.

(FB, DA-PhilRice Los Baños, May 17, 2024)

Nadistribute na ang 499 bags sang RCEF certified seeds sa mga ka-Palay naton na gikan sa BURUANGA, AKLAN! 🌾😉🫶

Our Municipal Mayor, Hon. Concepcion Labindao, alongside the Municipal Agriculture Office, led by Ms. Jorgia Amor O. Dagohoy, spearheaded the empowerment of our local farmers through the distribution of 499 bags of Certified Rice Seeds in our municipality.

This RCEF-Seed Program is a component of Republic Act 11203 or the Rice Tariffication Law which aims to help rice farmers prosper and become competitive. 🌾🌾

(FB, DA-PhilRice Negros, LGU Buruanga, May 17, 2024)

Wow, Santa Marcela, Apayao!
Mahigit 600 magsasaka ang sumali sa Binhi e-Padala ng RCEF Seed Program sa bayan ng Santa Marcela, Apayao. Ang mga magsasaka ay nag-uwi ng mga dekalidad na binhing inbred netong May 15-16, 2024.

Ang buong probinsya ng Apayao ay may alokasyong 11,680 binhing inbred galing sa RCEF Seed Program ngayong 2024 wet season. Ang bayan naman ng Santa Marcela ay may alokasyong 4000 bag ngunit ang 2102 bag ay inilaan sa Binhi e-Padala.

Ang mga rekomendadong binhing naipamahagi sa bayan ay NSIC RC160, RC218, RC222, RC402, RC508, at 512.

Samantala, magkakaroon naman ng regular na distribusyon ng mga binhi para sa mga magsasakang hindi nakasali sa Binhi e-Padala. Makipag-ugnayan lamang sa Municipal Agriculture Office upang magabayan sa mismong araw ng distribusyon ng mga binhi.

(FB, DA-PhilRice Isabela, May 17, 2024)