Kasama ang DA-RFO V, Camarines Sur at DA-PhilMech, isinagawa ang Provincial Seed Distribution Kickoff and Program Briefing.

Pinangunahan ng RCEF team at Municipal Agriculture Office ng Pamplona ang pamamahagi ng certified seeds at IEC materials sa pamamagitan ng Binhi E-Padala system kung saan ay mas pinadali at pinabilis na proseso para sa pagkuha ng binhi.

Ngayong Dry Season 2024, mahigit 60,000 sako ng dekalidad na binhi ang tinatayang ipapamahagi sa halos 25,000 magsasaka sa nasabing probinsya.

FB, RCEF Seed Program, November 17, 2023