‘Yan ang panghikayat ng mga agricultural technologists ng Cabarroquis, Quirino, kasama si Rio Vic Geron sa mga ka-Palay na gustong sumali sa RCEF.
Ang Quirino ay isa sa mga LGU na naparangalan ng “Excellence Award” ng RCEF sa katatapos lamang na Annual Review, Feb. 7-10, 2023.
“Sabi ng [ating mga ka-Palay], to see is to believe. Ang sagot naman namin, to try is to believe,” anya.
Sa ulat naman ni Dr. Karen Eloisa Barroga, lider ng Rice Extension Services Program ng PhilRice, umabot na sa 518 rice specialists ang sinanay sa Rice Specialist Training Course mula 2019.
Nasa 4.8M naman ang mga naipamahaging babasahin sa mga magsasaka at rice specialists. Naisagawa din ang mga technical briefings, mga online at interpersonal na talakayan, at text blasts para magabayan ang ating mga ka-Palay.
Pinuri at pinasalamatan nina Sen. Cynthia Villar, Senior Undersecretary Domingo Panganiban ng Kagawaran ng Agrikultura, at House Committee on Agriculture and Food Chair Wilfrido Mark Enverga ang PhilRice sa implementasyon ng programa.