SA PAGBABADYA ng El Niño, mas tipid sa patubig kung subukan ang REDUCED TILLAGE.
Sa sistemang ito, hindi na inaararo ang bukid bago tamnan. Konting suyod lang, larga na; itutusok na ang punla.
Isa si ka-Palay Eduardo Policarpio ng Palagay, Cabanatuan City sa sumubok dito. Kanyang naikwento sa PhilRice Magasin na nakatipid sya ng anim na oras at P3,000 sa gastos sa paggawa at krudo. Tumaas din ang kanyang ani nang 5 kaban/ektarya kung tag-ulan at 10 kaban naman kung tag-araw.
Benepisyo:
Mas nakatitipid sa mga gastusin sa labor cost, krudo, pataba, at iba pang gastusin sa bukirin.
Nakababawas ng polusyon sa hangin sanhi ng kabawasan sa paggamit ng diesel na umaabot sa 15 litro kada ektarya.
Nakababawas sa oras ng paghahanda ng lupa hanggang anim na oras kada ektarya;
Hindi hirap ang makina dahil sa mababaw ang putik ng bukid at wala nang pag-aararo;
Mas mabilis, matipid, at maginhawa ang paghahanda ng bukirin;
Nakadaragdag ng sustansiya sa lupa dahil muling ibinabalik ang mga dayami.
Paano isagawa? Basahin: https://bit.ly/SistemangReducedTillage (FB, RCEF Extension Program)