Noong makasali sa PalaySikatan technology demonstration, hindi itinanggi ni ka-palay Cristina Angeles ng Pandi, Bulacan na may pagdududa siya sa paggamit ng riding-type mechanical transplanter.
“Nag-alangan ako kasi maliliit yung mga punla. Noong nagtagal naman e napansin kong mas matibay at maganda pala ang tindig ng palay kumpara kung manwal,” aniya.
Bukod nga raw sa napadali ang kanyang pagtatanim, may dagdag ani din siyang 10 kilo kada sako nang gumamit siya ng certified seeds ng NSIC Rc 222 mula sa programa.
Mula 46kg, naging 56kg na ang timbang ng bawat sako.
Napakainam diba, mga ka-palay? (FB, RCEF Seed Program)